Sa ngalan ng 1,864 magaaral, 47 na kaguruan, 2 school utility personnels, 2 security personnels, 1 admin aid, at 1 CSU, malugod kong ibabahagi sa inyo ang mga nasimulan at natapos kong mga proyektong pampaaralan sa loob ng 12 linggo at pitong araw kong pagsisilbing Punong-Guro ng Bagong Buhay F Elementary School, gayundin, ang mga namana kong gawain mula sa nagdaang
pamunuan ng ating paaralan:
A. Kalinangang Pangmag-aaral
Una sa lahat, ipinagmamalaki kong iulat sa inyo ang inaning tagumpay ng ating mag-aaral sa palakasan at pang-akademikong larangan para sa taong pampaaralan 2017-2018.
Sa pangunguna ng ating Sports Coordinator na si G. Edwin C. Dequiña, siyam na atletang BBFESian ang nagqualify na lumahok sa Central Luzon Athletic Competition (CLRAA). Kabilang ang mga batang ito sa nagkampeon sa kani-kanilang larangan sa Unit Meet at Division Athletic Meet.
Buong karangalang inihahandog ko sa inyo ang ating mga natatanging Athlete of The Year awardee na nagpamalas ng kanilang husay at nagwagayway ng bandila ng BBFES sa katatapos na CLRAA:
1. Casibang, Dandenver - Athletics
2. Kapangyarihan, John Michael - Athletics
3. Villacruz, Fhope John - Athletics
4. Batawan, Deniro - Athletics
5. Lozano, Jawel - Athletics
6. Dequiña, Evangelyn - Volleyball
7. Hortelano, Gember Mae - Volleyball
8. Ancheta, Jarell Amroh - Badminton
9. Igloria, Ronjhae Roel - Basketball
Ang mga batang atletang ito ay hinubog ng kanikanilang coaches na sina G. Edwin Dequiña sa Athletics, G. Severino Oliveros- Volleyball (girls), G. Marvin Q. Dapadap - Badminton at G. Marvin C. Dequiña para sa Basketball.
Sa larangan ng Campus Journalism, nakamit naman ng ating batang broadcaster na si Chasty Faith Delos Reyes ang tagumpay hanggang sa National Level sa tulong at gabay ng kanyang gurong tagasanay na si Gng. Noelie S. Sta Maria.
Sa Regional Level, nakasama ni Chasty Faith sina Aubrye F. Mercader at Jeanjer Kim Dalanon na sumungkit ng 2nd Place sa broadcasting sa Filipino kasama ang kanilang tagapayo na si Gng. Noelie S. Sta Maria.
Hindi nawawala ang pangalan ng BBFES sa mga pandistrito at pangdibisyong kompetisyon tulad ng MTAP, English competition, Science Olympics, schools press conference at iba pang isports gaya ng chess, ballgames, tennis, arnis at track and field.
Tunay na natatangi ang talino ng ating magaaral lalo pa’t binibigyan natin ng angkop na suporta at dedikasyon sa pagsasanay.
Dahil dito, pinaigting natin ang pagpapaunlad ng kanilang kakayahan; masusi nating binabantayan maging ang kanilang kalusugan. Matagumpay po nating naiangat sa Normal ang nutritional status ng 214 mag-aaral na nasa Wasted at Severely Wasted na mag-aaral sa tulong ng ating stakeholder na San Lorenzo feeding sponsor at School Based Feeding Program na pinamumunuan ng ating school nutrition coordinator na si G. Dexter Batistis kasama ang pamunuan ng PTA.
Karaniwang suliranin din ng mga magulang ang kawalan ng pangunahing dokumento gaya ng birth certificate upang maipasok nila ang kanilang anak lalo na sa Kinder. Inilapit po natin ang solusyon sa pamamagitan ng paghahandog ng late registration na ginanap sa ating paaralan sa koordinasyon ng ating guro na si G. Flerida P. Orian kasama ang kawani ng lokal ng pamahalaan nitong Marso 15.
Inaasahan nating masusundan pa ang mga gawaing tulad nito upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral.
B. Kalinangang Pampaaralan
Ang mahuhusay na magaaral ay produkto ng mahuhusay na guro. Ang mahuhusay na guro ay produkto ng maayos na pamunuan. Ang maayos na pamunuan ay nagmumula sa maayos na kapaligiran; sa maganda at malinis na paaralan. Ito po ang simple kong alituntunun sa pagpapaunlad ng paaralang aking pinaglilingkuran.
Dahil dito, kagyat kong binigyang pansin ang pagsasaayos ng ating bakuran. Sa labas nilagyan natin ito ng kulay at pangalan upang ipakilala na narito pala ang sentro ng kaalaman ng ating baranggay.
Sa loob, dinagdagan ko ang lawak ng lupaing maaari nating mapagyaman. Marahil hindi bababa sa 100 sq.m. ang nadagdag sa ating school grounds dahil sa ginawang pagbabawas ng mga sanga ng mga puno at pagtatabas ng mga damo sa likuran.
Nakumpuni rin ang labing-anim na silid-aralan sa tulong ng Deped Fund. Sa kasalukuyan pinakikinabangan ang mga silid na ito ng dalawang Grade III classes, anim na Grade IV classes, limang Grade VI classes at dalawang Grade V classes. Kabilang sa mga silid na ito ang mga orihinal pang mga gusali na mahigit apat na dekada nang kumukupkop sa ating mag-aaral.
Sa tulong ng ating stakeholder mula sa baranggay na pinamumunuan ng ating butihing Kapitan Chriz Tiu, nasimulan na ang pagsasaayos ng ating bulwagan. Sa kabila nang pagiging abala sa pagtaguyod sa pangangailangan ng kanyang kabaranggay, halos 50 hanggang 70% na ang kabuuan ng proyektong ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng kaaya-ayang bulwagan ng paaralan sapagkat ito ang nagsisilbing bigkisan ng ating programa at nagsisilbing tanghalan rin ito ng ating tagumpay. Kaya’t buong puso tayong nagpapasalamat sa ating Punong Baranggay at umaasa tayong matatapos niya ang proyektong ito sa lalong madaling panahon.
Upang bigyang kulay at sigla ang mga pambungad na bahagi ng ating mga silid, nagsagawa po tayo ng programang Gulayan sa Paaralan na nagtatampok sa malikhaing pag-aalaga ng mga kapaki-pakinabang na halaman sa ating paaralan. Higit sa masusustansiyang gulay at kaakit-akit na mga bulaklak, inani ng paaralan ang simbolo ng pagkakaisa ng mga guro, mga mag-aaral at mga magulang. Ipagpapatuloy po natin ang proyektong ito.
Subalit sa kabila ng programang ito, kapansin-pansin pa rin ang suliranin natin sa basura. Mahigit po nating tinututukan ang maayos na pamamahala ng basura sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga basurahan. Ito ay sinimulan na sa mga kanya-kanyang silid-aralan. Ipinaalala rin sa mga mag-aaral na nagsisimula sa maliliit na kalat ang malaking problema sa basura kaya’t inaagapan natin kahit maliit na basura. Pinaplano rin po natin ang paglalagay ng compost pit na mapaglalagakan natin ng mga biodegradable wastes.
Sa suliraning kaugnay ng basura, DISIPLINA ang solusyon.
Mahigpit din po nating tinututukan ang pagpapatayo ng karagdagang gusali na naipangako sa ating paaralan. Anumang anyo o bilang ng silid-aralang maidadagdag na ito ay malaking tulong sa lumalaking bilang ng ating paaralan.
Sa kasalukuyan, ang taunang enrolment ay umabot sa pinakamataas na record na 1907. 1860 rito ang matagumpay na hahakbang sa susunod baitang. 264 mula sa Kinder ang nagmove-up patungong Grade I at 273 naman ang magsisipagtapos patungong Grade 7.
C. Kalinangang Pangguro/Kurikulum
Sa taong ito pinasimulan ang full implementation ng K to 12 program sa lahat paaralan sa bansa- mula Kinder hanggang Grade VI. Ang ating mga guro ay patuloy na binigbigyan ng pagsasanay sa pamamagitan ng iba’t-ibang seminars sa loob at labas ng paaralan upang matugunan ang hamon at pangangailangan ng makabagong kurikulum. 100% ang attendance ng ating guro sa buwanang School Learning Action Cell (SLAC) at In-service Training for Teachers (INSET) na ginawa noong Oktubre.
Nadagdagan tayo ng isang Master Teacher na si Gng Flerida P. Orian na makakatulong natin sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pang-akademiko. Bukod sa kanya, tinugunan din ng Deped ang pangangailangan natin sa guro sa pagbibigay ng isang guro sa Kinder at isa sa Grade III.
Pinahahalagahan at isinuusuulong natin ang propesyonal na pag-unlad ng ating mga kaguruan. Sa kasalukuyan siyam sa ating mga guro ang kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa kanilang Post Graduate Degree.
Mayroon din tayong apat na kaguruang napromote: dalawang Teacher 1 ang sumulong sa ranggong Teacher 2; dalawang Teacher 2 rin ang napromote sa ranggong T3.
Tunay na isang biyaya at hamon ang maglingkod sa isang papaunlad na paaralang tulad ng Bagong Buhay F Elementary School. Ang hamon na ito ay kayang-kaya nating lampasan nang sama-sama - tungo sa tagumpay ng bawat isa, ngunit higit sa lahat, tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat.
CHITO M. REPOREN
Principal III